47 patay sa ‘blizzard of the century’ sa US

47 patay sa ‘blizzard of the century’ sa US

December 27, 2022 @ 12:25 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Posibleng umabot na sa 50 ang nasawi dahil sa matinding snowstorm, o tinawag na “blizzard of the century” sa Estados Unidos.

Ito ay makaraang sa New York pa lamang ay mayroon nang nasa 25 ang nasawi dahil sa matinding pag-ulan ng niyebe na sumabay pa sa selebrasyon ng Pasko.

Ang naturang blizzard conditions ay nagpapatuloy na humahagupit sa ilang bahagi ng Northeast US na nagdulot ng malawakang power outages, travel delays at 47 nasawi mula sa siyam na estado.

Maliban pa sa mga nasawi, nagdulot din ito ng pwersahang kanselasyon ng 15,000 US flights sa mga nagdaang araw.

“Certainly it is the blizzard of the century,” ani Governor Kathy Hochul ng New York, na isa sa pinakanasapul ng winter storm.

Aniya, sa western New York lamang ay bumagsak ang nasa 30 hanggang 40 pulgada ng snow sa magdamag.

Labis naman ang pagkalungkot ni Erie County executive Mark Poloncarz, sa balita na umakyat na sa 25 ang death toll sa nabanggit na county pa lamang.

Maaari umanong lumampas pa ito sa hindi makakalimutan na blizzard noong 1977 kung saan 30 ang nasawi.

“We do expect that there will be more” ani Poloncarz. RNT/JGC