48 pang Pinoy todas sa COVID; 4,679 dagdag-kaso!

48 pang Pinoy todas sa COVID; 4,679 dagdag-kaso!

August 14, 2022 @ 8:44 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Pilipinas ng 4,679 na bagong kaso ng COVID-19 na iniulat nitong Sabado na nagdala sa bansa ng total caseload na 3,827,758, ayon sa Department of Health (DOH).

Ang pinakahuling daily tally ay ang pangatlong diretsong araw na may mahigit sa 4,500 new COVID cases ang naitatala.

Gayundin, ang aktibong kaso ay umakyat sa 40,324 mula 40,315 noong Biyernes base na rin sa pinakahuling datos ng DOH.

Ito ang ika-16 sunod na araw na may higit sa 30,000 aktibong kaso.

Nakarehistro ang National Capital Region (NCR) ng 15,843 bagong kaso nitong nakaraang dalawang linggo, sinundan ng Calabarzon na may 10,052, Central Luzon na may 5,212, Western Visayas na may 2,873, at Cagayan Valley na may 2,236.

Samantala, sinabi ng DOH na hindi bababa sa 4,617 pang mga pasyente ang naka-recover mula sa COVID-19, kaya tumaas ang recovery tally sa 3,726,442.

May kabuuang 48 na bagong pagkamatay ang naitala na nagdagdag ng death tally sa bansa sa 60,992.

Sa kabilang banda, ang nationwide bed occupancy rate ay tumaas sa 30.3%, habang ang bilang ng mga bed occupancy ay nasa 8,755, habang hindi bababa sa 20,106 ang bakante.

Noong Agosto 12, may kabuuang 23,552 indibidwal ang nasuri, habang 324 na laboratoryo ng pagsubok ang nagsumite ng datos. Jocelyn Tabangcura-Domenden