48 patay sa ulan, baha sa bansa – NDRRMC

48 patay sa ulan, baha sa bansa – NDRRMC

January 1, 2023 @ 8:13 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umakyat na sa halos 50 katao ang nasawi dahil sa malalakas na pag-ulan na nagdulot ng malawakang pagbaha sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao noong nakaraang Pasko.

Ito ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado, Disyembre 31 kung saan nasa 48 katao na ang nasawi kung saan 32 sa mga ito ang bineberipika pa.

Ayon sa ahensya, karamihan sa mga biktima ay mula sa Northern Mindanao.

Samantala, iniulat din ang 22 na mga nawawala at mga sugatan.

Sa ulat ng NDRRMC, mayroong 136,626 na pamilya o 532,155 na indibidwal mula sa 10 rehiyon ang apektado ng mga pag-ulan at baha dulot ng shear line na nagsimula noong bisperas ng Pasko. RNT/JGC