483 pang Pinoy abroad positibo sa COVID

483 pang Pinoy abroad positibo sa COVID

April 8, 2021 @ 7:29 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines — Nadagdagan pa ng 483 ang nagpositibo sa  COVID-19 sa mga Pilipinong nasa ibang bansa, batay sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Umabot naman ang kabuuang bilang nito sa 17,064.

Patuloy namang ginagamot ang 5,921 indibidwal habang nakarekober na ang 10,077 pang katao.

Sinabing pito ang bagong nasawi na may kabuuang bilang na 1,066.

“To date, the total number of countries and territories with confirmed cases among Filipinos abroad remains at 91,” saad ng departamento.

“The DFA shall continue to keep track of the status of overseas Filipinos, and facilitate repatriations, whenever possible.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •