488 lumabag sa batas at city ordinance, dinakip

488 lumabag sa batas at city ordinance, dinakip

July 29, 2018 @ 4:52 PM 5 years ago


 

Quezon City – Aabot sa 488 indibidwal ang dinakip ng mga tauhan ng Quezon City Police dahil sa paglabag sa batas at city ordinance ng lungsod Quezon kaninang madaling araw Hulyo 29, 2018 (Linggo).

Ayon sa ulat ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent JOSELITO T ESQUIVEL JR., kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Police Chief Superintendent GUILLERMO LORENZO T ELEAZAR ang mga dinakip ay lumabag sa batas at sa mga ipinapatupad na city ordinance ng lungsod.

Sinabi sa ulat sa La Loma Police Station 1 aabot sa 18 katao ang dinakip dahil sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, isa (1) ang walang suot na pang-itaas, isa dahil sa pag-inom sa pampublikong lugar at dalawa (2) dahil sa pag-ihi sa pangpublikong lugar at tatlo naman dahil sa jaywalking.

Habang sa Masambong Police station 2, tinatayang 17 katao ang dinakip dahil sa paninigarilyo sa pang-publikong lugar, dalawa dahil sa paglalakad ng walang suot na pang-itaas, isa dahil sa pag-ihi sa pampublikong lugar, 19 katao naman dahil sa jaywalking at  anim (6) na menor de edad ang dahil sa paglabag sa discipline hours.

Kaugnay nito aabot naman sa labing-isa katao (11) ang dinakip ng Talipapa Police station 3 dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar,12 dahil sa paglabag sa jaywalking, 39 dahil sa pag-inom sa pang-publikong lugar, 13 katao dahil sa hindi pagsusuot ng damit pang-itaas, pito (7) katao naman dahil sa pag-ihi sa pampublikong lugar at 13 menor de edad dahil sa paglabag sa discipline hours.

Habang sa Novaliches Police station 4  isa ang dinakip dahil sa pagdadala ng patalim.

Aabot naman sa 11 katao ang dinakip ng mga tauhan ng Fairview Police station 5 dahil sa paninigarilyo sa pangpublikong lugar at lima katao naman dahil sa paglabag sa jaywalking.

Habang sa Batasan Police station 6 aabot sa 140 katao ang dinakip dahil sa jaywalking, tatlo (3) dahil sa pag-iinuman sa pangpublikong lugar at tatlo (3) naman menor de edad dahil sa discipline hour.

Sa Cubao Police station 7 naman aabot sa 56 katao ang dinakip dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar at isa (1) dahil sa paglalakad ng walang damit pang-itaas at 47 katao naman dahil sa jaywalking.

Habang sa Anonas Police station naman anim (6) katao ang dinakip dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar at 22 katao naman dahil sa jaywalking.

Sa Eastwood Police station 12 naman lima (5) katao ang dinakip dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar at 24 naman dahil sa jaywalking. (santi celario)