4,883,084 Pinoy apektado ng #OdettePH — NDRRMC

4,883,084 Pinoy apektado ng #OdettePH — NDRRMC

January 6, 2022 @ 8:04 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Pumalo na sa 4,883,084 indibidwal o 1,243,635 pamilya ang apektado ng bagyong Odette, batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa pinakabagong situational report, sinabi ng NDRRMC na nananatili ang bilang ng nasawi sa 407.

Sinabing nasa 76 naman ang kumpirmado rito at 331 pa ang tinitiyak.

Iniulat naman ang mga apektadong rehiyon na MIMAROPA, Region 5, Region 6, Region 7, Region 8, Region 9, Region 10, Region 11, Region 12, CARAGA, at BARMM. RNT/FGDC