48th Business Conference and Expo dadaluhan ni PBBM

48th Business Conference and Expo dadaluhan ni PBBM

October 19, 2022 @ 5:25 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 48th Philippine Business Conference and Exposition 2022 bukas, araw ng Huwebes, Oktubre 20 para kausapin ang mga negosyanteng Pinoy.

Ang nasabing event ay inorganisa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, na idaraos sa Fiesta Pavilion ng The Manila Hotel.

Sa idaraos na business conference, iha-hand over ni Ferdinand Ferrer, Chairman at CEO ng EMS Group of Companies, kay Pangulong Marcos ang conference resolutions.

Sa kabilang dako, pangungunahan din ng Pangulo ang presentasyon ng awards para sa Most Business-Friendly LGU at Most Outstanding Chamber.

Ang 48th Philippine Business Conference and Exposition ay naglalayong simulan ang dayalogo hinggil sa mga pangunahing hakbang at programa na may kinalaman sa negosyo at ekonomiya na mahalaga sa pag-navigate ng Pilipinas tungo sa full recovery ag pagyabong. Kris Jose