49 pang Pinoy ipit pa rin sa Afghanistan

49 pang Pinoy ipit pa rin sa Afghanistan

August 22, 2021 @ 10:08 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Nasa Afghanistan pa rin ang 49 pang Filipino matapos sakupin ng Taliban ang bansa, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Naghihintay naman ng repatriation ang 42 pang Filipino roon.

Sa kabuuan, 158 Pinoy na ang nailikas sa Afghanistan.

Nitong Sabado, dinala ang 30 Pinoy sa Pakistan habang 10 sa Dubai, Doha, at Paris.

Inilikas din ang lima pang Filipino na ngayo’y nasa Jakarta, Indonesia.

“All evacuated Filipinos who request to return to the Philippines will be assisted. The Department continues to work on the immediate extraction of the remaining Filipinos in Afghanistan,” ayon sa DFA. RNT/ELM