49% positibo sa kalidad ng buhay ngayong 2023 – sarbey

49% positibo sa kalidad ng buhay ngayong 2023 – sarbey

January 31, 2023 @ 8:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hindi bababa sa 49 porsyento ng mga Pilipino ang naniniwala na bubuti ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan, (“optimists”), ayon sa nationwide survey ng Social Weather Stations (SWS).

Isinagawa ang survey noong December 10 hanggang 14, 2022 kung saan napag-alaman din na 37 porsyento ng respondents ang nagsabing hindi ito magbabago, at limang porsyento ang (“pessimists”) nagsabing lalala pa ito, habang walong porsyento ang walang sagot.

Mas mataas ng apat na puntos ang “net personal optimism” (percentage of optimists minus pessimists) na 44 percent kumpara sa 40 percent noong October 2022 at pinakamataas mula sa pre-pandemic score na 44 percent noong December 2019, base sa polling firm.

“The survey question on the respondents’ prediction of their quality-of-life change over the next 12 months has been fielded 147 times since April 1984,” anang SWS.

“Out of the 147 surveys, the Net Personal Optimism score was negative only 11 times, reaching a historic low of -19 in May 2020 amid the Covid-19 pandemic lockdowns. It has since trended back upwards to pre-pandemic levels,” dagdag nito.

Isinagawa ang Fourth Quarter 2022 Social Weather Survey gamit ang face-to-face interviews ng 1,200 adults (18-anyos pataas) sa buong bansa: tig-300 sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ang sampling error margins ay ±2.8% para sa national percentages, ±5.7% para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao. RNT/SA