492 pang kaso ng Omicron variant naitala ng DOH; 332 local case

492 pang kaso ng Omicron variant naitala ng DOH; 332 local case

January 19, 2022 @ 2:00 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Naitala pa sa Pilipinas ang karagdagang 492 kaso ng Omicron coronavirus variant sa bansa.

Umabot naman na ang kabuuang bilang nito sa 535.

Base sa Department of Health (DOH), 332 dito ay local case habang 160 ang returning overseas Filipinos.

Dagdag pa rito, 227 ang taga-National Capital Region; 76 sa Calabarzon; 11 kaso sa Central Luzon; at lima sa Central Visayas.

Mayroon ding tagdadalawang kaso sa Cagayan Valley, Western Visayas, Davao Region, Soccsksargen, at Cordillera Administrative Region, at tag-iisa naman sa Ilocos Region, Mimaropa, at Bangsamoro Region.

Batay pa sa case list, mayroong tatlong aktibong kaso habang dalawa ang nasawi at 20 pa ang bineberipika. RNT/Jocelyn Tabangcura