$4B potential investment nahakot ni PBBM sa pagbisita sa US

$4B potential investment nahakot ni PBBM sa pagbisita sa US

September 29, 2022 @ 2:32 PM 2 months ago


MANILA, Philipppines – Posibleng pumasok sa Pilipinas ang $4-bilyon halaga ng investment at daan-daan libong trabaho kasunod ng 6-day working visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Estados Unidos.

Sa isang kalatas, sinabi ng Malakanyang na ang business agreements at commitments na nasungkit ng Pangulo sa Estados Unidos ay tinatayang may investment value na $3.9 billion at potential employment generation na 112,285 trabaho.

Ang $4 bilyong dolyar na potential investment ay magmumula sa Information Technology and Business Process Management (IT-BPM), data centers, at manufacturing.

Ang paglilinaw naman ng Malakanyang, ang nasabing pagtataya ay hindi naman sumasalamin sa kabuuang potensyal ng future investments mula sa ilang kompanya na nakausap ni Marcos sa New York.

Bagamat marami aniyang mga kompanya na nagpahayag na ng interes na mamuhunan, kailangan pa din ayon sa Malakanyang na maselyuhan ang mga investment pledges na ito. Kris Jose