4K pulis ikakalat sa NCR para sa Halalan 2022

4K pulis ikakalat sa NCR para sa Halalan 2022

March 27, 2022 @ 11:45 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Tinatayang nasa 4,000 hanggang 5,000 kapulisan ang dineploy sa National Capital Region upang tiyakin na mapayapa at maayos ang local campaign para sa Eleksyon 2022.

“Nag-deploy tayo ng nasa 4,000 hanggang 5,000 na mga pulis sa NCR,” ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño.

Araw ng Biyernes, nagsimula na ang 45-day campaign period para sa local elections, 18,000 local positions ang pinaglalabanan ng mga kandidato.

Pinaalalahanan ni Diño ang mga barangay officials na manatiling apolitical alinsunod sa Omnibus Election Code guidelines.

“Mahigpit na ibinilin ng DILG sa mga barangay ang Omnibus Election Code na ang mga barangay ay apolitical… Hindi pwedeng mangampanya ang mga barangay,” ayon kay Diño.

“Bawal din ang pagsusuot ng mga barangay official ng T-shirt na may nakalagay na ‘vote’ at pangalan ng kandidato,” aniya pa rin sabay sabing
“Puwede namang dumalo sa political activities ang barangay officials pero dapat walang endorsement ng kandidato.”

Sinabi pa ni Diño na hindi dapat gamiting marshals ang mga barangay tanod sa panahon ng campaign rallies. Sa halip, ang mga organizers aniya ang dapat na mag-provide ng kanilang sariling marshals.

Samantala, pinaalalahanan naman ni Diño ang mga kandidato na huwag gamitin ang mga government facilities at sasakyan sa pangangampanya.

Ang mga venues aniya ay maaari lamang punuin ng hanggang may 70% ng kapasidad sa panahon ng rally sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1.

Ang Eleksyon 2022 ay idaraos sa Mayo 9. Kris Jose