4K silid-aralan sa Visayas na napinsala ng bagyo, naayos na

4K silid-aralan sa Visayas na napinsala ng bagyo, naayos na

December 14, 2022 @ 4:19 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sa kabila ng mga delay, natapos na ang pagsasaayos ng 4,000 sa 5,000 mga silid-aralan na nasira ng nagdaang bagyong Odette sa Central Visayas.

Nagpasalamat naman si Dr. Salustiano Jimenez, direktor ng Department of Education in Central Visayas (DepEd-7) sa lahat ng mga naging katuwang nila sa pagsiguro na magkakaroon na ng maayos na mga silid-aralan ang mga estudyante sa rehiyon.

“We also got help from the central office with Education Secretary Sara (Duterte) always on the go and always following up for updates on the repairs,” ani Jimenez.

Aniya, noong Hunyo lamang din nagpatuloy ang repair sa mga classroom dahil sa election ban at nagpapatuloy naman ang repair sa natitirang 1,000 pang silid.

Matatandaan na nag-iwan ang bagyong Odette ng nasa P10 bilyon halaga ng pinsala sa mga paaralan at instructional materials sa Central Visayas noong Disyembre 2021. RNT/JGC