‘4Ps parents’ na bugaw ng sariling anak, huli sa Taguig

‘4Ps parents’ na bugaw ng sariling anak, huli sa Taguig

September 23, 2022 @ 11:11 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Arestado ang magulang na miyembro pa naman ng 4Ps makaraang madiskubre ng mga otoridad na ginagamit nito sa cybersex operation ang mga anak nito sa Taguig City.

Ayon sa ulat, naaresto ang magulang ng mga biktima ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation – Anti-Human Trafficking Division kasama ng mga gamit na nadiskubre sa mga ito katulad ng sex toys at iligal na droga.

“Sariling nanay nila binubugaw sila at kinukuhanan ng litrato at video at binebenta online kapalit ng pera pati mga menor de edad na kapitbahay niya ay binubugaw niya rin,” ani NBI Spokesperson Atty. Giselle Garcia-Dumlao.

2017 pa umano nagsimula sa ganitong gawain ang mga magulang nito na kalaunan ay tila ba nagsisi sa kanilang ginawa sa mga anak.

“Pakakasalan daw po yung anak ko, uuwi dito, parang naano po kami sa perang pinapadala niya. Sa sobrang kagipitan sir, kaya po nagawa yun.” RNT/JGC