4Ps representative, bagong minority leader sa Kamara

4Ps representative, bagong minority leader sa Kamara

July 26, 2022 @ 5:21 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nahirang bilang House Minority Leader sa 19th Congress si Pagtibayin at Palaguin ang Pangkabuhayang Pilipino (4Ps) Party-list Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan.

Sa kanyang acceptance speech ay nagpasalamat si Libanan sa mga kapwa mambabatas na nagluklok sa kanya sa pwesto at tiniyak nito na bilang lider ng minorya ay gagampanan nito ang kanyang tungkuln.

“I oath to deliver my response to the SONA of the President later but for now I would like to thank all my dear colleagues in the minority and the all of the congressmen and congresswomen in this August chamber. Rest assured that we will perform our task as a responsible minority of this August chamber,” pahayag ni Libanan.

Ayon kay Northern Samar Rep. Paul Daza si Libanan ay binoto ng may 25 congressmen na hindi umanib sa mayorya.

Sa ilalim ng House Rules, ang hindi boboto sa kasalukuyang House Speaker ang syang bubuo sa House Minority Bloc.

Si Libanan na dating Immigration Commissioner ay dati ding kinatawan ng Eastern Samar, naging kongresista ito noong 1998 hanggang 2007 kung saan pinamunuan nito ang House Committee on Justice. Gail Mendoza