5-10 taong bisa ng gun license lusot sa Kamara

5-10 taong bisa ng gun license lusot sa Kamara

January 18, 2022 @ 12:15 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang nagtatakda na gawing lima hanggang 10 taon ang bisa ng mga lisensya ng baril.

Sa ilalim ng House Bill 10610 na 204 ajg bumotong pabor ay nasa gun owner ang desisyon kung 5 o 10 taon ang nais nitong iapply na lisensya.

Sa ilalim ng panukala ay maging ang pernit to carry ay may validity na 2 taon mula sa dating 1 taon.

Ang hindi magrerenew ng  license o registration sa itinakdang petsa ay magiging batayan para idiskuwalipika ang isang indibidwal na magapply sa susunud ng  firearm license.

“application for renewal of the license or registration may be submitted to the Philippine National Police’s Firearms and Explosives Office within six months before the date of the license’s expiration”nakadaad sa panukala.

Sa oras na maisabatas ay tatanggalin na din ang Threat Assessment Certificate na karaniwang hinihingi sa mga indibidwal na nasa “mminent danger” dahil sa kanilang negosyo o trabaho kaya jag apply ang mga ito ng firearm license. Gail Mendoza