5.18M COVID-19 vaccines naiturok na – Galvez

5.18M COVID-19 vaccines naiturok na – Galvez

June 1, 2021 @ 12:31 PM 2 years ago


MANILA, Philippines — Umabot na sa 5.18 million doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok na sa 3.97 milyong indibidwal sa Pilipinas, ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr.

Sa ulat ni Galvez kay Pangulong Rodrigo Duterte na 5,180,721 doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok na, sa bilang an ito 3,974,350 ang nakakuha ng unang dosage habang 1,206,371 na ang kumpleto nang nabakunahan ng ikalawang dose.

“We already breached the five million mark last Friday. Meaning, even before May has ended, we have breached the five million mark,” ani Galvez.

“Our input has tripled since March, April when we only administered one million in 40 days. Now we have tripled it. Even before the end of May, we have already vaccinated three million,” dagdag pa niya.

Ipinagmalaki niya rin ang paglagpas sa isang milyong nababakunahan kada linggo sa nakalipas na dalawang linggo.

“Our vaccinated went well in the past two weeks, and now the Philippines has the highest vaccine administration. In ASEAN, we have the highest at 150,000 per day,” ani Galvez. RNT