5.3B cellphone inaasahan itatapon ngayong taon – study

5.3B cellphone inaasahan itatapon ngayong taon – study

October 14, 2022 @ 8:56 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasa 5.3 bilyon sa 16 bilyon na cellphone na pag-aari ng mga tao sa buong mundo ang inaasahang itatapon o hindi na gagamitin ngayong taon.

Ito ang inihayag ng ilang eksperto nitong Huwebes, Oktubre 13 na lubhang mapanganib at masama umano sa kalikasan.

Ayon sa WEEE research consortium, na gumawa rin ng naturang pag-aaral, lumabas na aabot ng 50,000 kilometro ang lahat ng mga cellphone na itatapon na lamang kung ito ay pagpapatung-patungin.

“Smartphones are one of the electronic products of highest concern for us,”ani Pascal Leroy, Director General ng WEEE Forum, isang non-profit organization na binubuo ng 46 producer responsibility organizations.

“If we don’t recycle the rare materials they contain, we’ll have to mine them in countries like China or Congo,” dagdag pa niya.

Sa survey naman sa anim na bansa sa Europa, lumabas na malaking bahagi ng 5 bilyon na cellphone na hindi na nagagamit ang itinatago lamang sa halip na itapon. RNT/JGC