5-5.8% inflation rate posibleng maitala ngayong Mayo

5-5.8% inflation rate posibleng maitala ngayong Mayo

May 31, 2022 @ 6:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Posibleng tumaas pa ang inflation rate sa bansa bunsod na rin ng patuloy na pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, tinatayang maglalaro sa 5.0% hanggang 5.8% ang inflation rate ngayong buwan na mas mabilis sa 4.9% na naitala noong Abril na siyang pinakamataas simula noong December 2018.

“The continued increase in domestic petroleum prices, higher prices of key food items, and peso depreciation are the primary sources of inflationary pressures during the month,” saad ni Diokno.

Pero sabi ni Diokno, maaari pa rin naman itong mahila pababa ng murang singil sa kuryente ng Meralco, bumabang presyo ng LPG at mababang presyo ng bigas.

“Looking ahead, the BSP will continue to monitor closely emerging price developments to enable timely intervention to arrest emergence of further second-round effects, consistent with BSP’s mandate of price and financial stability,” aniya pa.

Samantala, inaasahan ng central bank na makapagtatala ang bansa ng full-year inflation print na 4.6%, na pasok sa itinakdang target na 3.7% hanggang 4.7% ng Development Budget Coordination Committee noong nakaraang linggo, bago tuluyang bumagal sa 3.9% sa 2023. RNT/ JCM