5-6% ng GDP, ilalaan ni PBBM para sa imprastraktura

5-6% ng GDP, ilalaan ni PBBM para sa imprastraktura

July 25, 2022 @ 8:30 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na maglalaan ang pamahalaan ng 5 hanggang 6 porsiyento ng  gross domestic product (GDP) ng bansa para sa infrastructure projects.

“Necessarily, infrastructure development will remain a very high priority in our drive for growth and employment… Infrastructure development spending will be sustained at 5% to 6% of the GDP,” ayon  kay Pangulong Ferdinand  Marcos sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, araw ng Lunes, Hulyo 25.

Tinawag ang infrastructure program  bilang “backbone of an economy,” sinabi ng Pangulo na hindi siya masigasig o atat na suspendihin ang anumang programa na namana niya kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa katunayan ay nais pa niyang palawakin ito.

“Once again, I will not suspend any of the ongoing projects as those have already been shown to be of benefit to the public that they serve. We will continue to study the proposals that have been made,” ayon sa Pangulo.

“The infrastructure program of the Duterte administration must not only continue but, wherever possible, be expanded. We shall confidently build on this firm foundation established by my predecessor.  As it is in building an edifice. We must keep the momentum. And aspire to build better more,” dagdag na pahayag nito.

At upang maisakatuparan ito, sinabi ni Pangulong Marcos na kailangan na ipagpatuloy ng gobyerno na hikayatin ang  private sector na magpartisipa sa infrastructure development. Ang isa aniyang  halimbawa nito ay ang paggamit ng  Public Private Partnerships.

“Infrastructure developments are also necessary to improve other sectors such as agriculture, tourism, general economic activity and governance,” ayon kay Pangulong Marcos.

Nagmistula namang “special mention” ang sinabi ng Pangulo na kakulangan sa  infrastructure development sa lahat ng  rail transport system.

“It is my belief that we have missed a great opportunity to develop our rail transport system. It is clear in my mind that railways offer great potential as it continues to be the cheapest way of transporting goods and passengers,” aniya pa rin.

“There are a dozen rail projects – on the ground, above the ground, below ground, not just in Manila, but in other regions – at various stages of implementation, and with a combined cost of 1.9 trillion pesos,” ayon pa rin sa Pangulo.

“This administration is committed to finishing building the current portfolio of investments,” pangako ng Pangulo.

Ang mga railway projects ay kinabibilangan ng North-South Commuter Railway System;  33-kilometer Metro Manila Subway Project;  147-kilometer North-South Commuter Railway System; 12-kilometer LRT-1 Cavite Extension;  23-kilometer MRT-7; at ang Common Station na magko-konekta sa LRT-1, MRT-3 at MRT-7.

Itutulak din ng pamahalaan ang pagkompleto sa railways sa labas ng  National Capital Region gaya ng 102-kilometer Mindanao Railway Project; Panay Railway Project; at Cebu railway system na pinagsama-sama bilang  mahalagang bahagi ng   transport at communications systems.

Nangako rin ang Pangulo na aayusin ang “roads and transportation systems” sa mga highly-urbanized at key cities sa iba’t ibang bahagi ng bansa gaya ng Cebu Bus Rapid Transit, Davao High Priority Bus System, Ilocos Norte Transportation Hub, at  El Nido Transport Terminal.

“My order to the Department of Transportation is simple: Full speed ahead!” ayon kay Pangulong Marcos.

“Improving our railway system, along with modernizing existing airports and seaports, will maximize our strategic location in the Pacific and connect our many islands,”  aniya pa rin. Kris Jose