5-6% ng GDP inilaan ni PBBM sa infra development

5-6% ng GDP inilaan ni PBBM sa infra development

December 24, 2022 @ 3:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng Office of the Press Secretary nitong Sabado, Disyembre 24 na naglaan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng 5% hanggang 6% ng annual gross domestic product (GDP) ng bansa para sa infrastructure development.

Ang hakbang na ito ay sa ilalim ng “Build Better More” program.

“For the agriculture sector, the DBM said there was a significant increase in the sector’s budget with the department doubling the allocation for major agricultural and fishery programs,” ayon sa OPS.

“To provide Filipinos with better health services, the DBM released over P44 million to fund the development of the Marawi City General Hospital,” dagdag pa nito.

Kasabay din nito ay ang pagsuporta ng Department of Budget and Management (DBM) sa mga programa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na National Greening Program at ng Department of Energy (DOE) na Renewable Energy Development Program upang mabawasan ang epekto ng climate change sa bansa.

“According to the DBM, it also allocated a hefty amount in the 2023 national budget for climate-related expenditures,” saad pa ng OPS.

“Also listed in the DBM’s accomplishments this year is its aggressive digitalization in line with President Marcos’ agenda,” dagdag na pahayag nito. RNT/JGC