5 Abu Sayyaf bandits sumuko sa Basilan

5 Abu Sayyaf bandits sumuko sa Basilan

January 15, 2023 @ 2:05 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sumuko na sa mga awtoridad sa pagnanais na makasama muli ang kanilang pamilya, ang limang miyembro ng Abu Sayyaf, iniulat nitong Sabado, Enero 14 sa Basilan.

Ang mga ito ay sina Farhat Kang Palluh, Amil Palluh, Merham Hasalal Palluh, Basri Tukul at Omar Hajubain, pawang mga residente ng Barangay Bohe Suyak, Ungkaya Pukan, na sumuko dala ang kanilang tatlong rifle at mga bala Huwebes ng hapon, Enero 12 kasunod ng negosasyon kasama ang pulisya at 64th Infrantry Batallion ng Philippine Army.

Ani Col. Richard Verceles, operations chief ng Area Police Command-Western Mindanao, ang mga ito ay tagasunod ni Basilan-based bandit leader Pasil Bayali.

Dumaan naman sa tactical interrogation at custodial debriefing bago dinala sa Ungkaya Pukan Rural Health Unit ang mga ito, para naman sa isasagawang medical examination.

Kalaunan ay itinurn-over ang limang sumuko sa Ungkaya Pukan Municipal Social Welfare and Development Office para sa kaukulang tulong kabilang na ang financial assistance at skills training. RNT/JGC