5-anyos pataas pwede na lumabas sa GCQ, MGCQ areas

5-anyos pataas pwede na lumabas sa GCQ, MGCQ areas

July 9, 2021 @ 1:08 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Pinayagan na ng gobyerno ang nasa edad lima pataas na makalabas sa piling lugar sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na ipatutupad ito sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ).

Hindi naman kasali rito ang Laguna at Cavite.

Maaari namang puntahan ang mga sumusunod ng 5-anyos pataas basta kasama ang magulang

  • park

  • playground

  • outdoor tourism areas at

  • biking and hiking trails

Sa ngayon ay bawal pa rin silang makapasok sa malls dahil sa itinakda ito sa 15 pataas. RNT/FGDC