5 arestado sa P170K shabu sa Valenzuela

5 arestado sa P170K shabu sa Valenzuela

May 29, 2022 @ 3:05 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Shoot sa kulungan ang limang hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang bebot matapos makuhanan ng nasa P170K halaga ng shabu sa makaraang maaresto ng mga awtoridad sa Valenzuela City.

Base kay PCpl Pamela Joy Catalla, alas-5:00 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Joel Madregalejo ng buy bust operation sa San Vicente St., Brgy. Karuhatan na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jeric Alolod, 24 at Bernadette Elejorde, 30, kapwa ng 610 Tangele St., Bancal Ext., Meycauyan, Bulacan.

Narekober sa kanila ang nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000, P300 marked money, P100 cash at cellphone.

Bandang alas-2:30 naman ng madaling araw nang respondehan ng kabilang team ng SDEU sa pangunguna ni PLT Doddie Aguirre ang natanggap na tawag mula sa concerned citizen hinggil sa nagaganap na illegal drug activities sa Pacheco Bypass Road, Brgy. Lawang bato na nagresulta sa pagkakaaresto kay Perlito Cuizon Jr., 41 at Richelle Puno, 35, therapist matapos maaktuhang nag-aabutan ng shabu.

Sa ulat ni PSSg Ana Liza Antonio, nakumpiska sa mga suspek nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P68,000 ang halaga, cellphone, P600 cash at motorsiklo.

Nauna rito, nakuhanan din ng aabot sa 10 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P68,000 ang halaga at P30O cash ng isa pang team ng SDEU sa isinagawang validation sa Agapita St., Brgy. Gen T  De Leon dakong alas-11:20 ng gabi si Christopher Borbe alyas “Tetet”, 35.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. R.A Marquez