5 arestado sa P1M shabu

5 arestado sa P1M shabu

August 13, 2022 @ 1:15 PM 2 months ago


CAMARINES SUR- –Arestado ang limang katao matapos mahulihan ng 150 gramo ng shabu sa magkahiwalay ng operasyon ng mga awtoridad noong Huwebes sa bayan ng Libmanan.

Unang nadakip ang mga suspek na sina Julio Navarro Jr., 36; John Rey Brioso, 30; David Casulla Jr., 38; at Eduardo Vargas Jr., 22, pawang mga residente sa Barangay San Juan ng nasabing bayan.

Ayon kay Mark Anthony Viray, hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Camarines Sur, dakong alas-4:50 ng hapon, huli sa akto ang mga suspek na sumisinghot ng shabu sa nasabing lugar.

Nakuha sa mga suspek ang isang plastic bag na naglalaman ng 50 gramo ng shabu na aabot sa halagang P340,000 at mga drug paraphernalia.

Sinabi ni Viray na si Navarro ang target ng operasyon na kilalang drug den operator.

Sa magkasunod na operasyon nadakip rin ang suspek na si Eduardo Vargas Sr., 47, ng Barangay Poblacion sa nasabing bayan.

Nakuha kay Vargas Sr., ang 4 na plastic bag na naglalaman ng shabu na may bigat na 100 gramo na shabu at aabot sa halagang P680,000 at iba pang drug paraphernalia .

Dagdag pa ni Viray na kinukuha ni Vargas Sr., ang suplay ng droga nito sa Manila at ibinebenta sa Bicol region.

Nagkataon lamang na nadakip si Eduardo Jr., sa unang operasyon na nagpot session sa lugar ni Navarro.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. Mary Anne Sapico