5 arestado sa shabu sa QC

5 arestado sa shabu sa QC

December 9, 2022 @ 3:18 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Swak sa kulungan ang lima kabilang ang tatlong babae sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga pulis sa ilalim ng Tulay, Brgy. Balon Bato, Quezon City kahapon ng madaling araw, Disyembre 8.

Kinilala ni PLTCOL. Mark Janis Ballesteros hepe ng Quezon City Police District station 3 Talipapa ang mga nadakip na suspek na sina Marlou Casila, alyas Chile, 34, may live-in partner, Lailani Monserate alyas Melai, 32, may live-in partner, Jamaica Quimbo, 19, dalaga at estudyante, Eddieson Bulagui, 18, binata pawang residente ng ilalim ng Tulay, Brgy. Balon Bato, Quezon City at Trisha Ibasco, 20, dalaga, vendor at residente ng 1070 Santo Cristo, Brgy.Balingasa.

Ayon kay PCpl. Erwin Cordero nadakip ang mga suspek dakong 4:20 ng madaling araw sa ilalim ng tulay ng Brgy. Balon Bato, QC sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga pulis.

Sinabi sa ulat na nagsagawa ng drug buy-bust operation ang mga pulis sa pangunguna ng team leader nito na si PLT Elvin Olmedillo sa lugar laban sa isang alyas Chile matapos makatanggap ng ulat ng pagkakasangkot nito sa iligal na droga.

Nabatid pa kay Cordero na isang pulis ang nagpanggap na posuer buyer sa suspek na si Chile at bibili ng halagang P200.00 na droga sa huli.

Matapos iabot ng suspek ang droga agad inaresto ang una na hindi na nakapalag pa sa mga pulis.

Dinakip din ang apat na iba pa na umano’y kostumer din ng suspek na si Chile makaraang maabutan ng mga pulis sa isinagawang drug operation. Santi Celario