5 bagong kaso ng BA.2.12.1 Omicron subvariant naitala ng DOH

5 bagong kaso ng BA.2.12.1 Omicron subvariant naitala ng DOH

May 31, 2022 @ 3:12 PM 4 weeks ago


Lima pang kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.1 ang natukoy sa Western Visayas, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Martes.

Sabi ni Health Promotion and Communication Service Director Dr. Beverly Ho, ang mga bagong kaso ay mula sa tatlong returning overseas Filipinos na bumalik sa bansa mula sa Estados Unidos.

Nabatid naman na fully vaccinated kontra COVID-19 ang tatlo.

Samantala, dalawa naman sa mga bagong naitala ay local cases na kapwa rin kumpleto na sa bakuna.

Dahil dito, umabot na sa 22 ang kabuuang kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.1 asa bansa.

Labing-walo sa mga ito ay locally-acquired — dalawa mula sa National Capital Region, 12 mula sa Puerto Princesa sa Palawan, at apat mula sa Western Visayas.

Samantala, ang apat na impeksyon ay mga ROF na naninirahan sa Western Visayas.

Noong Mayo 17, kinumpirma ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na natukoy din ng bansa ang local transmission ng Omicron subvariant BA.2.12.1, kasama ang mga bagong kaso na natagpuan sa rehiyon ng Western Visayas. Jocelyn Tabangcura-Domenden