5 barangay sa Zambo City isinailalim sa ASF ‘red zone’

5 barangay sa Zambo City isinailalim sa ASF ‘red zone’

May 30, 2022 @ 8:13 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Limang barangay sa Zamboanga City ang inilagay ng mga awtoridad sa “red zone” dahil sa kumpirmadong kaso ng African swine fever sa mga baboy.

Ang limang barangay ay Mangusu, Curuan, Manicahan, Bunguiao at Pasonanca.

Sinabi ni Zamboanga City Veterinarian Dr. Mario Arriola na isinasagawa ang culling process sa mga baboy sa loob ng 500 metrong radius ng limang barangay.

Upang madagdagan ang supply ng mga baboy sa lungsod, ang Zamboanga City Hog Raisers Association ay nagtuturo sa mga residente ng tamang paraan ng pag-aalaga ng baboy habang tinitiyak ang kalinisan.

May programa ang asosasyon sa pakikipag-ugnayan sa Department of Agriculture na nagbibigay ng 10 inang baboy sa mga residente alinsunod sa guidelines na itinakda ng asosasyon at ng Office of the City Veterinarian. RNT