5 bodyguards ni Degamo absent sa araw ng ambush

5 bodyguards ni Degamo absent sa araw ng ambush

March 12, 2023 @ 1:25 PM 3 weeks ago


Pinaiimbestigahan sa Philippine National Police (PNP) ang lima sa anim na bodyguards ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo na lumiban sa araw ng kanyang pagpatay.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Senador JV Ejercito na hindi nag-report sa kanilang duty ang limang bodyguards ni Degamo na dapat paiimbestigahan na hindi naman nilinaw ng senador kung saan nakuha ang impormasyon.

“Hindi ito nagkataon,” ani Ejercito.

Samantala, inihayag naman ni PNP Spokesperson Jean Fajardo na pinagsabihan na ni Secretary of Interior and Local Government Benhur Abalos ang Armed Forces of the Philippines at PNP na bilangin ang security personnel na nakatalaga kay Degamo dahil hindi lamang ang pulisya ang nagbibigay ng seguridad sa biktima.

“Kasama po ‘yan sa iniimbistigahan natin sa na-receive po doon nating information na yung mga supposedly pong nagpo-provide ng security kay Governor Degamo during the day of the incident ay supposedly hindi po nag-report for duty,” ayon kay Fajardo. Ernie Reyes