5 Bulacan rescuers, pinarangalan ng Senado

5 Bulacan rescuers, pinarangalan ng Senado

September 28, 2022 @ 10:02 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinarangalan ng Senado nitong Martes ng gabi ang limang rescuers na namatay habang rumeresponde sa San Miguel, Bulacan na lubog sa baha sa kasagsagan ng bagyong #KardingPh (international name “Noru”).

Inaprubahan ng Mataas na Kapulungan ang Senate Resolution No. 233 na inihain ni Senador Ramon Revilla Jr., na may konsiderasyon sa Senate Bill Nos. 234, 235, 238, 240 and 241 na inihain nina Sen. Robin C. Padilla, Sen. Lito Lapid, Senate President Juan Miguel “Migz” F. Zubiri, Majority Leader Joel Villanueva at Imelda Marcos.

Pinarangalan ng resolusyon ang “exemplary heroism and bravery” ng limang miyembro ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na namatay habang tumutupad sa tungkulin habang nananalasa ang bagyong #KardingPh noong Setyembre 25, 2022.

Sa kasagsagang super typhoon, nagsagawa ang PDRRMO ng rescue mission sa Barangay Camias, San Miguel, Bulacan, na ikinamatay nina Narciso Calayag Jr., Jerson Resurreccion, Marby Bartolome, George Agustin at Troy Justin Agustin.

Tumutulong ang lima sa residente ng Sitio Galas upang lumikas ng kanilang tahanan at baha sanhi ng bagyo.

Sa panayam, sinabi ni Bulacan Gov. Daniel Fernando, na napilitan ang limang rescuer na gumamit ng lifeboats matapos tumirik ang kanilang rescue truck. Iniulat na namatay ang lima sanhi ng pagragasa ng baha kaya nawasak ang pader kaya naanod sila ng malakas na agos palayo ng kanilang lifeboat.

Nakuha ang labi ng lima sa Sitio Banga-Banga sa Barangay Camias.

“Whereas, the Senate of the Philippines express its profound condolences to the bereaved families and loved ones of the five Bulacan PDRRMO rescuers,” ayon kay SRN 233.

Sa kanyang resolusyon, sinabi ni Padilla na nagpakita ng kabayanihan at katapangan ang mga rescuer na isinakripisyo ang kanilang buhay upang mailigtas ang mamamayan, na pawang kapuri-puring huwaran na pagkilos na kailangan papurihan at gayahin at higit sa lahat na pawang sagisag ng dedikasyon, lakas ng loob, debosyon sa tungkulin at pangako sa serbisyo-publiko.

“The five rescuers “acted with incredible bravery and self-sacrifice and went above and beyond the call of duty to save the lives of others at the cost of their own,” ani Villanueva.

“They were veteran rescuers who have also helped other local governments throughout the country in previous calamities and disasters,” dagdg ni Villanueva.

Ayon naman kay Zubiri: The Senate of the Philippines is one with the families and loved ones of the rescuers “in commemorating their heroism and selfless sacrifice of putting their lives on the line in ensuring the safety of the greater good.

“The courage, bravery, humanitarian spirit and selflessness of the five “should be held in the highest regard, paying the ultimate sacrifice in the name of duty,” ayon naman kay Lapid.

Lahat ng senador ay ginawang co-authors ng resolusyon. Ernie Reyes