5-Day Virtual Jobs Fair, ikakasa ng DOLE-Region 1 ngayong Hunyo

5-Day Virtual Jobs Fair, ikakasa ng DOLE-Region 1 ngayong Hunyo

May 30, 2021 @ 10:36 AM 2 years ago


La Union – Nakatakdang magsasagawa ng limang araw na virtual jobs fair ang Department of Labor and Employment (DOLE) –Region 1 ngayong buwan ng Hunyo.

Ang nasabing programa ay magsisimula ng June 8 at magtatagal hanggang June 12. Tatawagin itong Kalayaan Jobs Fair.

Gagawing virtual ang jobs fair dahil bawal ang face-to-face at mga gathering dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa ngayon ay abala ang DOLE Region 1 sa paggawa ng link na gagamitin ng mga job seeker. Rolando S. Gamoso