5 drug suspects tiklo sa Navotas buy bust

5 drug suspects tiklo sa Navotas buy bust

January 22, 2023 @ 11:13 AM 6 days ago


MANILA, Philippines – Bagsak sa kulungan ang limang hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang matapos matimbog ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek mga suspek bilang sina Armando Montilla alyas “Mandoy”, 42, pintor, Maria Anna Garganta, 56, at Michael Tagoto, 43, pawang residente ng lungsod.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong alas-9:50 ng gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Luis Rufo Jr ang mga suspek sa Champaca St, Brgy. San Roque, matapos bintahan ng P300 halaga ng shabu ang isang undercover police poseur-buyer sa naganap na buy bust operation.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000, buy bust money at P300 recovered money.

Ani P/Capt. Rufo, alas-11:55 naman ng gabi nang masunggaban din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Mandaragat St., Brgy. NBBS Dagatdagatan sina Joel Cervito, 49, at Luzviminda Zacate alyas “Mind”, 52, kapwa residente ng lungsod.

Nasamsam sa kanila ang humigi’t kumulang 0.80 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P5,440 at P300 buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura