5 drug suspects timbog sa P272K shabu sa Valenzuela

5 drug suspects timbog sa P272K shabu sa Valenzuela

October 10, 2022 @ 9:48 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Umabot sa P272,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa limang drug suspects kabilang ang isang mag-asawa matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Base kay Valenzuela Police chief Col. Salvador Destura Jr., bandang alas-7:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela Police sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa Karen Avenue, Brgy. Gen T De Leon, harap ng Thoa Basketball Court.

Agad na inaresto ng mga operatiba si Richard Alejandrino, 49 at kanyang asawa na si Jeanette Alejandrino, 48, kapwa ng Maysan Road, matapos bentahan ng P45,000 na halaga ng droga si PSSg Gabby Migano na nagsilbi bilang poseur buyer.

Ayon kay PSSg Ana Liza Antonio, nakumpiska sa mga suspek ang himigi’t kumulang 35 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) P238,000, buy-bust money, cellphone at P300 recovered money.

Nauna rito, ala-1:45 ng madaling araw nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa 4158 S. Bautista St., Brgy. Mapulang Lupa sina Marianne Salas alyas “Mado”, 37, Randy Delos Santos, 40 at Jeffer Hardy Garcia, 47.

Narekober sa mga suspek ang tinatayang nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na may corresponding SDP P34,000.00, P500 buy-bust money, coin purse, P500 recovered money at cellphone.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. R.A Marquez