5 durugista tiklo sa SACLEO

5 durugista tiklo sa SACLEO

May 29, 2022 @ 12:16 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Binitbit sa loob ng selda ang limang hinihinalang drug personalities, kabilang ang tatlong babae matapos mabitag sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Malabon City.

Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, nirespondehan ng mga tauhan ng Sub-Station 4 ang natanggap na tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na pot-session sa isang bahay sa No. Blk 14, Lot 4 SMC-HOA Sitio 6, Brgy. Catmon Malabon City.

Pagdating sa naturang lugar dakong alas-4:40 ng hapon, naaktuhan ng mga pulis sina Elmerito Diaz “Elmer”, 53, Nancy Diaz, 25 at Emma Tabotabo, 45, biyuda, na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng naturang bahay na nagresulta sa pagkakaaaresto sa kanila.

Ani PMSg Randy Billedo, nakuha sa kanila ang dalawang transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na nasa P5,440 ang halaga at ilang drug paraphernalias.

Dakong alas-2:30 naman ng madaling araw nang madakip ng mga operatiba ng SDEU si Irene Montero, 47, matapos makuhanan ng nasa 1 gram ng hinihalang shabu na nasa P6,800 ang halaga

nang maaktuhang nag-aabutan ng ilegal na droga sa Main St. Karisma Village, Brgy. Panghulo dakong alas-2:30 ng madaling araw habang nakatakas ang hindi kilalang lalaking katransaksyon nito.

Sa Brgy. Tonsuya, naaresto naman ng mga tauhan ng Sub-Station 5 na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa harap ng Paradise Village sa P. Aquino Avenue alas-2:40 ng madaling araw si Richard Pollo, 38, matapos makuhanan ng abot sa 1.1 gram ng hinihinalang shabu na nasa P7,480.00 ang halaga. Boysan Buenaventura