5 holdaper utas sa QC

5 holdaper utas sa QC

February 19, 2021 @ 2:00 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

QUEZON CITY – Patay ang hinihinalang limang holdaper matapos na manlaban sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Highway Patrol Group (HPG) at District Special Operations Unit (DSOU) kaninang madaling araw sa nasabing lungsod.

Ayon kay QCPD Director General Danilo Macerin, unang napatay ng HPG ang dalawang holdaper na hindi pa rin nakikiala sa Baloyot Drive, Brgy. Sauyo Q.C. pasado 4:00 ng madaling araw.

Nauna rito hinoldap umano ng limang kalalakihan ang Uno Gasoline Station na matatagpuan sa  Espirito Compound, Pingkian 2, Brgy Pasong Tamo Q.C.

Tiyempo naman na nakita ni PMSG Ericson Remigio na nakatalaga sa PNP Legal Service ang pangyayari sanhi upang kanyang habulin ang mga holdaper saka humingi ng tulong sa QCPD-HPG na nagsasagawa ng anti-carnapping operation sa Atherton St., Brgy. North Fairview na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa.

Samantala nagsasagawa ng QCPD-DSOU ng surveillance operation sa Walnut St., Brgy. West Fairview nang makita ng mga ito ang ginagawang paghabol ng HPG sa mga papatakas na holdaper.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng dragnet operation ang DSOU at nagawang masukol nila ang mga suspek sa Espiritu Compound, Pingkian 2, Brgy. Pasong Tamo Q.C. subalit imbes na sumuko ay pinaputukan nila ang mga kapulisan na naging dahilan ng kamatayan ng tatlong holdaper.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang isang caliber 45, tatlong caliber .38, isang shoutgun, apat na sachet ng shabu, 1 honda click motorcycle at isang Mio Soul.

Pinapurihan  naman ni Macerin ang kanyang mga kapulisan sa katapangan ng mga ito at sa mabilis na pagtugon sa mga nagaganap na krimen na naging sanhi sa pagkamatay ng mga holdaper. Jan Sinocruz


  •  
  •  
  •