Muslim prayer room sa mga gov’t building, private establishment hirit ni Hataman

February 9, 2023 @2:06 PM
Views: 11
MANILA, Philippines- Itinutulak ni Basilan Rep. Mujiv Hataman sa inihaing House Bill 7117 ang pagkakaroon ng prayer room para sa mga Muslim sa mga gusali ng gobyerno at maging sa mga pribadong establisimyento.
Ayon kay Hataman, palaki na ang populasyon ng mga Muslim na sa ngayon ay nasa anim hanggang 12 milyon, na isa umano sa mga dahilan kung bakit nito itinutulak ang pagbibigay ng prayer room sa mga Muslim sa mga lugar na ginagamit ng publiko.
“We seek to require the establishment of at least one Muslim prayer room in every government facility, airport and transport terminal, hospital and military camp, as well as other privately owned establishments,” nakasaad sa panukala.
Inamin ni Hataman na karaniwang hirap ang mga Muslim sa paghahanap ng kanilang worship place sa mga pampublikong lugar lalo at kinakailangan ng mga ito na magdasal ng limang beses sa loob ng isang araw.
āAng pagdarasal ay mahalaga sa lahat ng relihiyon. Sa aming mga Muslim, ginagawa namin ito limang beses sa isang araw, nasaan man kami abutan. Kaya mahalaga na laging may lugar kung saan pwedeng magdasal ang mga kapatid nating Muslim,ā paliwanag ni Hataman.
Aniya, bagama’t may ilang lugar na mayroon nang ganitong espasyo para sa mga Muslim ay kanila pa rin na isinusulong na madagdagan ito.
āImbes na limitahan natin ang mga lugar na maaaring puntahan ng ating kapatid na Muslim, gawin nating mas accessible ang pagdarasal bilang bahagi ng kalayaan sa pagpapahayag ng aming pananampalataya,ā pagtatapos pa nito.Ā Gail Mendoza
Higit 80 Japanese employers, target tumanggap ng Pinoy skilled workers

February 9, 2023 @1:52 PM
Views: 18
MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na mahigit 80 Japanese employer ang gustong kumuha ng mga Filipino skilled worker.
Ayon kay DMW Secretary Susan Ople, ang pangkalahatang sentimyento ng mga Japanese employer ay lubos na maasahan at trainable ang mga mangagawang Filipino kaya mas ninanais nilang mag-empleyo ng mga Filipino workers sa kanilang kompanya.
Inilabas ng kalihim ang pahayag matapos ang pakikipagpulong kasamanang Japanese employers na inorganisa ng Migrant Workers Office sa Osaka.
Siya ay bahagi ng delegasyon ng Pilipinas sa Japan para sa working visit ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nasabing bansa.
Sinabi ni Ople na lilikha ng Japan desk sa Office of the Secretary upang kapwa mapabilis ang pangangailangan ng Japanese employers at Filipino trainees.
Pagkatapos ng pagpupulong ay nagkaroon ng dayalogo kasama ang mga manggagawa sa Japan sa ilalim ng Technical Internship Training Program (TITP) at Special Skilled Worker (SSW) programs.
Tiniyak naman ng mga Filipino workers sa kalihim na sila ay tinatrato nang maayos at patuloy silang magtatrabaho sa Japan kung sila ay pahihintulutan ng kanilang employer at Japanese government.
Ayon sa DMW, ang sweldo ng mga mangaggawa sa Japan ay umabot mula 130,000 Yen (P54,548) para sa entry level TITP trainees hanggang 900,000 Yen (P377,640) para sa specialized positions para sa highly skilled professionals. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Panukalang entry tax sa mga turista, nais ipataw

February 9, 2023 @1:39 PM
Views: 24
MANILA, Philippines- Isang panukalang batas na magpapataw ng $25 entry tax sa mga dayuhang turista ang isinisulong ni Camarines Sur Rep Lray Villafuerte.
Sa House Bill 5285 na inihain ni Villafuerte sinabi nito na ang malilikom na entry tax ay maaaring magamit para mapabuti pa ang tourist welfare services ng bansa.
āTourism has been a growing force in the Philippine economy. The industry has contributed a total of P2.85 trillion to the local economy in 2016, almost 20 percent of our GDP (gross domestic product,ā paliwanag ni Villafuerte.
Aniya, bago ang pandemya ay mataas ang tourist arrivals sa bansa kaya naman mas makabubuti na mas pagandahin pa ang turismo upang mas makapaghikayat ng mga turista matapos ang pandemic.
Sa ilalim ng panukala o Tourist Welfare Tax Bill, mangongolekta ng $25 sa kada turista na papasok ng bansa para sa turismo at leisure at ang bayarin na ito ay isasama na sa airline ticket cost.
āThis tourist tax shall be reflected in official receipts (ORs) issued by international and domestic carriers, and which shall then be handed over to the ]DOT] for the development of tourist welfare services, improvement of TIEZAās (Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority) services in tourism infrastructure, and for upgrading the programs of LGU (local government unit) tourism offices in their respective localities,ā nakasaad sa panukala.
Ipinaliwanag nito na ang $25 na sisingilin ay kahalintulad lang din ng sinisingil sa ibang bansa gaya sa Thailand, Indonesia, Brunei, Sri Lanka, Cambodia, Hong Kong at China, ani Villafuerte, sa ibang bansa ay matagal nang may sinisingil na entry at exit taxes na kanilang ginagamit para sa tourism development funds.
May opsyon naman na hindi magbayad ng entry tax ang isang turista kung ang mga ito ay nakagastos ng katumbas na $10,000 habang nasa bansa, ang refund sa entry tax ay maaaring makuha.Ā Gail Mendoza
PH-Japan biz partnerships, bubuhayin ni PBBM

February 9, 2023 @1:26 PM
Views: 25
MANILA, Philippines- Nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na muling buhayin at pasiglahinĀ ang ābusiness partnerships” ng Pilipinas at Japan na bahagyang pinatulog ng COVID-19 pandemic.
Para sa Pangulo, makatutulong ito para lumago ang ekonomiya ng dalawang bansa.
Ang pahayag na ito ng Pangulo ay binanggit niya sa isang dinner meeting kasama ang mga executives ng Mitsui & Co. at Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) makaraang dumating saĀ Tokyo.
Sa official Facebook account ng state-run Radio Television Malacañang (RTVM), makikita rito ang video footage ni Pangulong Marcos kasama ang Mitsui at MPIC executives gaya nina Mitsui & Co. chief executive officer Kenichi Hori at MPIC chairperson Manny Pangilinan.
āThe partnership between not only Mitsui but the whole of Japan and the Philippines has been a long-standing one. We can point to so many of the developments that happened in the Philippines with the assistance of the different Japanese funding agencies and our government-to-government (G2G) arrangements and commercial arrangements, and these have been to the benefit of both our countries,ā ayon sa Pangulo.
āThe partnerships, I think, that we have developed with our friends here in Japan, with Mitsui, in particularā¦We will have to revitalize them as they have been dormant to a degree, during the lockdowns of the pandemic,ā dagdag na pahayag nito.
Looking forward naman si Pangulong Marcos na ang mga pag-uusap na mangyayari sa panahon ng kanyang five-day official visit ay makatutulong para maging āa driver in the transformation of our economy.ā
Maliban kay Pangilinan, ang iba pangĀ business leaders na kasama sa delegasyon ng bansaĀ ay sina San Miguel Corpās Ramon Ang at Ayala Corpās Jaime Augusto Zobel de Ayala.
Sinamahan naman ang Pangulo ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos at ilang key government officials kabilang na sinaĀ Senate President Juan Miguel Zubiri, House Speaker Martin Romualdez at dating Pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
Ang Mitsui & Co. ay isang Japanese company “that primarily engages in product sales, logistics and financing, infrastructure projects, iron and steel products, information technology (IT) and communication, among other businesses. It currently operates in 128 offices in 63 countries including the Philippines.”
Samantalang angĀ MPIC ay isang Philippine-based investment management at infrastructure holding company na karamihan ay inuugnay saĀ strategic partnerships sa pamamagitan ng pag-improve sa “operational efficiency, pagtataas sa customer coverage, at mahigpit na pakikipagtulungan saĀ regulators at iba pangĀ partners o katuwang sa gobyerno.
Samantala, sinabi pa ni Pangulong Marcos na masigasig ang Pilipinas na isapinal ang ilang proyekto sa Japan na natigil lamang dahil sa Covid-19 pandemic at maging sa bagongĀ viable projects.
Tinukoy nito kung paano ang dalawang bansa ay “very well-developed interactions about G2G or even commercial ventures.”
āSo what weāre really having to do now is we are going to have to⦠weāre finalizing some of the projects that, for example, were postponed because of the pandemic lockdowns and also now some new projects that are follow on fromĀ kung ano āyung datiĀ ng proyekto,” aniya pa rin.
Giit pa ng Pangulo,Ā angĀ official trip niyang ito saĀ Japan ay hindi na pagpapakilala sa Pilipinas kundi mayroong āvery specificā schedule.Ā Kris Jose
3 pang barangay sa San Juan City, drug-free na!

February 9, 2023 @1:20 PM
Views: 28