PAF muling nagpalipad ng air assets sa nawawalang Cessna plane

January 31, 2023 @2:18 PM
Views: 11
MACONACON, ISABELA – Muling nagpalipad ng dalawang air assets ang Tactical Operations Group 2 (TOG 2) ng Philippine Air Force (PAF) upang ipagpatuloy ang paghahanap sa nawawalang Cessna Plane lulan ang 6 na katao kabilang ang isang piloto.
Matagumpay na nakapagpalipad ang grupo ng dalawang helicopter kasunod ng pagganda ng panahon.
Ayon kay Joshua Hapinat, nagsilbing tagapagsalita ng Incident Management Team (IMT), muling iikot ang grupo para sa search and rescue sa “Site Alpha” na unang tinukoy ng grupo kung saan nakita ng mga barangay officials ang white object.
Bukod dito, sinabi rin ni Hapinat na siyam mula PNP-SAF at 11 sundalo ang isusunod na ipapadala bilang karagdagdang searchers-rescuers sa nawawalang eroplano.
Sa ngayon, sinabi ni Hapinat na umaasa pa rin ang grupo na magiging tuloy-tuloy ang magandang panahon para maikot ng grupo ang tinawag nilang “Site Alpha”. Rey Velasco
Pilipinas handa sa RCEP ratification – Castelo

January 31, 2023 @2:05 PM
Views: 12
MANILA, Philippines – Handa na ang bansa, at magiging kapaki-pakinabang ang ratipikasyon sa Regional Comprehensive Economic Cooperation (RCEP).
Ang RCEP ay ang free trade deal sa mga bansa sa ASEAN kabilang ang Australia, China, Japan, South Korea, at New Zealand na magbibigay ng mas mababang taripa sa mga piling produkto ng mga nabanggit na bansa.
Sa kabila nito, sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo nitong Martes, Enero 31 na dapat maglagay ng safeguards patungkol dito, at ibinahagi rin na limitadong agricultural tariff lines lamang ang maaapektuhan kung ipatutupad na ang RCEP.
“There are only about 15 agricultural products that will be affected and these are not the basic agricultural products that we have,” ani Castelo.
“This excludes rice, sugar and corn and all the other basic agriculture products that we commonly consume,” dagdag niya.
Sa naunang pahayag ng Presidential Communications Office, sinabi nito na isa ang RCEP sa isinusulong ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay sa kabila ng naunang sinabi ng Pangulo na hindi siya sigurado kung matibay ang agriculture sector ng bansa para makipagsabayan dito, ngunit nangakong pag-aaralan pa niya ito ng mabuti.
Samantala, sa kabila ng pagtutol ng ilang agriculture groups, sinabi ni Castelo na handa ang bansa sa RCEP lalo pa’t isinusulong din ng Department of Agriculture ang
industrialization at modernization ng naturang sektor.
“The Philippines is ready for this and it’s going to increase actually our gross domestic product, it will increase of course job multiplication job generation and all that,” aniya.
Ayon sa mga kritiko nito, dapat na pagbutihin muna ang sektor ng agrikultura bago ito pumasok sa mas maraming foreign imports. RNT/JGC
Huling habilin ni Nora, fake news!

January 31, 2023 @1:58 PM
Views: 18
Manila, Philippines – Ang national artist na si Nora Aunor ay abala sa pagprodyus ng pelikula. Sa bagong tatag na N.A. Films, natapos na ang syuting ng Gun for Hire at ang tampok na bida ay si John Rendez.
Nasa last syuting day pa si Ate Guy nu’n nang nagkaroon ng eye operation.
Natatawa ang kampo ni Ate Guy dahil may napanood siya sa YouTube na may title na meron na raw siyang huling habilin para kina Lotlot, Ian, Matet, Kiko at Kenneth.
Kapag pinanood mo naman, e, wala direktang ulat o pahayag na galing kay Nora.
Bagama’t naipasyal na niya ang kanyang mga anak sa Iriga City, Bicol, kung saan may ekta-ektarya siyang lupain na pangsakahan ay wala naman siyang last will sa mga anak.
Sa isang banda, natapos na ni Ate Guy ang pelikulang Kontrabida at Ligalig. Naghihintay na lang siya bng playdates. Naka-ready na rin siyang humarap muli sa kamera kung saan magsasama sila ni konsehal Alfred Vargas sa pelikulang Isaac at Rebecca mula sa direksiyon ni Adolf B. Alix, Jr. Favatinni San
COVID emergency sa US tatapusin na sa Mayo 11

January 31, 2023 @1:52 PM
Views: 19
UNITED STATES – Sinabi ni United States President Joe Biden nitong Lunes, Enero 30 na tatapusin na nila ang COVID-19 emergency declarations sa Mayo 11.
Ito ay makatapos ang tatlong taon na ang naturang bansa ay nasa ilalim ng mahigpit na mga restriksyon dahil sa pandemya.
Kung babalikan, noong 2020 ay inilagay ni dating Pangulong Donald Trump ang COVID-19 national emergency at public health emergency (PHE).
Pinalawig naman ito ni Biden sa kanyang pag-upo, kung saan milyon-milyong mga Amerikano ang nakatanggap ng libreng COVID testing, bakuna at treatments.
Sa pahayag naman ng Office of Management and Budget (OMB) ng White House, nakatakdang mapaso sa mga susunod na buwan at maaaring paliwigin hanggang Mayo 11 at tatapusin na ito.
“This wind-down would align with the Administration’s previous commitments to give at least 60 days’ notice prior to termination of the PHE,” pahayag ng OMB sa kanilang administration policy.
Sa ngayon, ang pamahalaan ng Estados Unidos ang nagbabayad sa mga bakuna kontra COVID-19, gamutan at testing ngunit sa oras na matapos na ang deklarasyon ng PHE, ililipat na ang gastusing ito sa mga private insurance at government health plans.
Kung ikukumpara noong mga nakaraang buwan, mas bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa US bagama’t nakapagtatala pa rin ito ng mahigit 500 katao na araw-araw ay namamatay sa nasabing sakit. RNT/JGC
Vergeire sa pagiging DOH chief: ‘I am ready’

January 31, 2023 @1:39 PM
Views: 22