5 indibidwal na nagpakalat ng ‘fake news’ sa socmed ihahabla ng Comelec

5 indibidwal na nagpakalat ng ‘fake news’ sa socmed ihahabla ng Comelec

May 4, 2022 @ 1:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Magsasampa ang Commission on Elections (Comelec) ng kaso laban sa limang indibidwal na umano’y nagpapakalat ng “fake news” sa social media ukol sa Halalan 2022, ayon kay Commissioner George Garcia nitong Miyerkules.

Ibinahagi ni Garcia na nai-refer na niya sa National Bureau of Investigation (NBI) noong isang linggo ang limang pangyayari kung saan ang kredibilidad at integridad ng electoral process ay siniraan.

“Asahan niyo po in the next succeeding days, even after the elections, we will be filing cases against these individuals simply because mali po ‘yung ginagawa nila,” aniya.

Subalit inulit ni Garcia na laban lamang ang poll body sa maling impormasyon at hindi sa kritisismo sa kanila.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng free expression at siniguro na hindi kakasuhan ang sinumang nagpapahayag lamang ng kaniyang opinyon ukol sa eleksyon.

“But remember din po that information is an oxygen of democracy. Information must be truthful and the Comelec will watch everything as far as those untruthful information is concerned. Fake news, pakiiwasan po natin ‘yan,” paalala ni Garcia.

“The Comelec would like to 100% guarantee to everyone that we will always observe constitutional due process. Everybody will be afforded due process,” pagsisiguro ni Garcia. RNT/SA