Bumaril sa kagawad sa Malate ‘di sundalo – MPD

Bumaril sa kagawad sa Malate ‘di sundalo – MPD

March 11, 2023 @ 11:15 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi umano miyembro ng Philippine Army ang suspek sa pagpatay sa isang Barangay Kagawad sa Malate, Maynila ayon sa Manila Police District (MPD).

Ayon sa pulisya, patuloy pang inaalam kung ito ay military reservist.

Hindi rin umano makapagpakita ng ID sa mga awtoridad bagamat ibinigay nito ang kanyang serial number.

Sinasabi rin na hindi siya sundalo na isang AWOL o absence without leave na una aniyang inihayag sa media.

Nauna rito, pinagbabaril ng suspek na si Rolly Algarne Y Ibanez, 43 anyos na si Jesus Carmona sa loob ng isang beer house.

Nadamay din ang isang waitress na si Donna Sabenencio na patuloy na ginagamot sa ospital.

Nagalit umano ang suspek nang lapitan nito si Carmona dahil sa na-clamp nitong sasakyan sa harap ng beer house nang sabihin ng biktima na wala itong magagawa.

Ang suspek ay isinailalim na sa inquest proceedings sa prosecutor’s office ng Manila. Jocelyn Tabangcura-Domenden