5 kalsada sa E. Visayas sarado sa bagyong Agaton

5 kalsada sa E. Visayas sarado sa bagyong Agaton

April 11, 2022 @ 3:54 PM 3 months ago


HALOS limang (5) national roads ang kasalukuyang sarado sa Eastern Visayas sa mga motorista dahil sa bagyong  Agaton.

Karamihan sa mga kalsada ay apektado ng pagbaha at landslide, pagbagsak ng mga puno at debris at nasirang tulay dulot  ng malakas na ulan ayon sa Department of Public Works ang Highways (DPWH).

Sa DPWH  Bureau of Maintenance consolidated situational report ngayong umaga,  tinukoy ni Secretary Roger G. Mercado ang mga sumusunod na apektadong road sections:

  • Arteche-Jipapad-Las Navas-Rawis Road in Barangay Bigo, Arteche, Eastern Samar at  Sto. Rosario-Villaba Road sa Barangay Hibulangan, Villaba, Leyte dahil sa pagbaha;

  • Tacloban Baybay South Road sa Barangay Cuatro de Agosto, Mahaplag, Leyte dahil sa landslide;

  • Daang Maharlika, Sogod-Libagon Section sa Southern Leyte dahil sa posibleng  pagguho ng lupa; at

  • Abuyog-Silago Road sa Barangay Imelda, Silago, Southern Leyte dahil sa landslide

Samantala, iniulat naman ng DPWH Regions 4-A, 8, 10, at 12 ang kabuuang siyam na national roads na may limitadong access kabilang ang:

  • Marikina-Infanta Road, sa Quezon na one-lane passable lang dahil sa slope collapse sa San Francisco-San Ricardo Section sa Barangay Manglit;

  • Pintuyan, Southern Leyte na one-lane passable dahil sa minor landslide na may mga natumbang puno

Limang road sections din sa Region 8 lamang din ang passable sa malalaking sasakyan dahil sa pagbaha kabilang ang:

  • Mainit-San Miguel-Santol Road sa Barangay Santol, San Miguel, Leyte dahil sa pagbaha;

  • Tigbao-Pulak-Sta. Fe Road sa Barangay San Isidro, Sta. Fe, Leyte;

  • Calubian-San Isidro-Tabango-Villaba-Palompon Road sa Leyte;

  • Tacloban Baybay South Road sa  Barangay Gaas, Baybay City, Leyte;

  • Ormoc-Baybay-Southern Leyte Boundary Road sa Barangay Hipusngo, VSU Market, Barangay Punta, sa Baybay City at Talisay, Hilongos, Leyte

Sa  Region 10 at 12, ang mga sumusunod na kalsada na one-lane passable lamang ay ang:

  • Kapalong-Talaingod-Valencia Road sa Lumbayao

  • Valencia City at Salug Bridge sa Barangay San Jose

  • San Fernando, Bukidnon

  • Awang-Upi-Lebak-Kalamansig-Palimbang-Sarangani Road sa Barangay Bolebak, Lebak, Sultan Kudarat

Ang mga Quick Response Team ng DPWH ay itinalaga upang subaybayan o linisin ang mga apektadong bahagi ng kalsada kung pinahihintulutan ng panahon at kondisyon ng kalsada.

Noong Sabado, Abril 9, 2022, inatasan na ni DPWH Secretary Mercado ang pag-activate ng DPWH Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Teams ng mga piling Regional and District Engineering Offices na binubuo ng 7,067 manpower at 921 equipment para matiyak ang response efficiency sa Tropical Depression Agaton. Jocelyn Tabangcura-Domenden