5 kandidato sa pagka-konsi sa Abra, umatras

5 kandidato sa pagka-konsi sa Abra, umatras

April 8, 2022 @ 12:01 PM 3 months ago


ABRA-Limang kandidato sa pagka-Municipal Councilor sa bayan ng Pilar sa lalawigang ito ang iniatras ang kanilang kandidatura para sa darating na May 9, 2022 national and local election sa hindi matukoy na dahilan.

Ang mga limang kandidato na nagpunta sa opisina ng Election Officer sa naturang bayan para mag-file ng kanilang Statement of Withdrawal of Certificate of Candidacy ay sina Macario Guzman, Timoteo Dasalla, Rogelio Ciervo, Teresita Doral, at Leilani Disono.

Nabatid na ang lima ay pawang mga kandidato sa ilalim ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) party kasama nina Mayor Maro Somera at Vice Mayor Jaja Josefina Disono.

Sa kanilang Statement of Withdrawal of Certificate of Candidacy, walang nakalagay na rason kung bakit nila iniatras ang kanilang kandidatura. Rolando S. Gamoso