5 katao huli sa sugal sa lamayan

5 katao huli sa sugal sa lamayan

February 2, 2022 @ 3:58 PM 8 months ago


Cagayan – Imbes na baraha ang hinahawakan ng limang  katao ngunit ng madakip ng  pulisya ay rehas na bakal ang hinihimas habang  lantarang  nagsusugal  sa  lamayan  ng  patay sa Sitio Sta. Isabel, Tapel  Gonzaga, Cagayan.

May  ilang  nakatakbo at   nakatakas  at  tanging  sina  Marcelino Ortiguez  50 -anyos; Ruben  Sarma, 52 ; isang tricycle  driver;  Romy Gutieres, 60; Remelino  Aguilar, 33;  at Crisencio Talumayan,  61.

Batay  sa  report,  bandang  10:30  ng  gabi,    naglalaro  raw  ng  (lucky nine)  ang  mga  ito  habang   nakikipaglamay sa  namatay  na si   Jeryll   Sarma sa nasabing  lugar.

Mabilis  daw  na  nakatakas  ang ibang  kalaro  ng  lima at  hindi  na  nagawang habulin  pa  ng  pulisya.

Nasamsam sa  operasyon ang  patayang aabot  ng  P9,387 at isang set  ng  baraha.

Sa Tuguegarao,  maximum  na tatlong araw  lamang  ang  pinapayagang wake service  sa isang  namatay  kung  hindi  ito  COVID related death.

Nakatakdang kasuhan  ang  limang  naaresto  ng  hiwalay  na  paglabag  sa  RA  9287  o  Illegal  Gambling  Law  at  RA  11332. (REY VELASCO)