5 katao nasagip ng PCG sa lumubog na motorbanca

5 katao nasagip ng PCG sa lumubog na motorbanca

December 6, 2021 @ 11:41 AM 10 months ago


SURIGAO CITY – Lima katao kasama ang boat operator ang sinagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lumubog na motorbanca sa baybaying sakop ng Labor Island sa Surigao City.

Ayon sa PCG, sa kabila ng suspensyon ng biyahe dahil sa inilabas na gale warning, naglayag pa rin ang MBCA β€œJimboy” mula Barangay Buenavista, Surigao City patungong Barangay Balibayon, Surigao City.

Sa kanilang paglalayag, nakasagupa nila ang malakas na hangin at malaking alon na sumira sa gitnang bahagi ng motorbanca.

Dinala ng PCG team ang mga nasagip na indibidwal sa PCG Station Surigao del Norte ng ligtas para sa kaukulang tulong at imbestigasyon.

Dahil sa insidente pinayuhan sila ng PCG na huwag nang pumalaot pa kapag masama ang lagay ng panahon upang maiwasan ang kahalintulad na insidente sa hinaharap. Jocelyn Tabangcura-Domenden