5 kilo ng karneng baboy mula Panay nasabat sa Negros

5 kilo ng karneng baboy mula Panay nasabat sa Negros

October 26, 2022 @ 1:56 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad sa Negros Occidental ang aabot sa limang kilo ng karneng baboy mula sa isla ng Panay.

Matatandaang kamakailan ay ipinag-utos ni Governor Eugenio Jose Lacson ang pagbabawal sa pagpasok ng lahat ng baboy at produkto nito mula Panay at Guimaras makaraang makapagtala ng kaso ng African Swine Fever (ASF) sa Oton, Iloilo.

Nasabat ang mga karne galing Tapaz, Capiz sa isang lamay sa Sitio Panaosawon, Barangay Tuburan, E.B. Magalona ng naturang probinsya.

Ayon kay Barangay Captain Ramonito Espacio Jr., bumisita siya sa naturang lamay upang ihatid ang tulong pinansyal at nang alukin siya ng pamilya na mag-ihaw ng karneng baboy ay nalaman nito na dala ito ng isa rin sa bumisita mula pa sa probinsya ng Capiz.

Dahil dito ay agad na sinunog ng mga awtoridad ang mga karneng ito na aabot sa limang kilo. RNT/JGC