5 lalaki, 2 babae sabay-sabay binitay sa Kuwait

5 lalaki, 2 babae sabay-sabay binitay sa Kuwait

November 17, 2022 @ 7:39 AM 2 weeks ago


DUBAI – Sabay-sabay na binitay ang limang lalaki at dalawang babae sa bansang Kuwait makaraan silang mapatunayang nagkasala sa murder, droga at iba pa.

Kinilala lamang ang mga ito na tatlong lalaking Kuwaiti, isang babaeng Kuwaiti, isang lalaking Syrian, isang lalaking Pakistani at isang babaeng Ethiopian.

Sa ulat ng KUNA, isang pahayagan ng pamahalaan, sinabi ng piskalya na pare-parehong pagpatay at may halong droga na nauugnay sa mga akusado, ang naging kasalanan ng mga ito.

“They deprived the victims of their most sacred rights in this world, which is the right to life,” pahayag ng piskalya.

Isinagawa ang pagbitay sa loob mismo ng Central Prison.

Hindi naman binanggit kung paano binitay ang mga salarin.

Subalit dalawang paraan ang gamit ng mga ito: pagbigti sa lubid o firing squad.

Nauna rito, nagsagawa na rin ang Kuwait ng pagbitay na pito rin ang salarin noong 2017. RNT/FC