5 lugar isinailalim sa Signal No. 3 sa #bagyongFlorita

5 lugar isinailalim sa Signal No. 3 sa #bagyongFlorita

August 23, 2022 @ 1:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Limang lugar sa Northern Luzon ang isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 dahil sa Severe Tropical Storm Florita, ayon sa PAGASA  nitong Martes.

Sa weather bulletin ng PAGASA, inihayag nito na ang storm-force winds ay umiiral o inaasahan sa loob ng 18 oras sa mga sumusunod na lugar sa ilalim ng TCWS No. 3:

  • Hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Pagudpud, Dumalneg, Adams, Bangui, Burgos),

  • Apayao,

  • Timog na bahagi ng Babuyan Islands (Camiguin Is., Fuga Is., Dalupiri Is.),

  • mainland Cagayan,

  • northeastern portion ng Isabela (Palanan, Divilacan, Maconacon, San Pablo, Tumauini, Cabagan, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Ilagan City, San Mariano)

Umiiral naman ang gale-force winds o inaasahan sa susunod na 24 oras sa mga sumusunod na lugar sa ilalim ng TCWS No. 2:

  • rest of Babuyan Islands,

  • rest of Isabela,

  • Quirino,

  • northern at eastern portion of Nueva Vizcaya (Quezon, Diadi, Bagabag, Villaverde, Solano, Kasibu),

  • Abra,

  • Kalinga,

  • Mountain Province,

  • Ifugao,

  • northern portion ng Benguet (Buguias, Bakun, Mankayan, Kibungan),

  • rest of Ilocos Norte,

  • Ilocos Sur, at

  • northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao).

Ang mga sumusunod na lugar naman ay isinailalim sa TCWS No. 1:

  • Batanes,

  • rest of Nueva Vizcaya,

  • rest of Benguet,

  • La Union,

  • eastern portion of Pangasinan (Santo Tomas, Villasis, Mapandan, Mangaldan, San Fabian, San Jacinto, Manaoag, City of Urdaneta, Rosales, Balungao, Umingan, San Quintin, Natividad, San Nicolas, Tayug, Santa Maria, Asingan, San Manuel, Binalonan, Sison, Pozorrubio, Laoac, Dagupan City),

  • northeastern portion of Tarlac (San Manuel, Anao),

  • Nueva Ecija, at

  • rest of Aurora

Sinabi ng state weather bureau na nag-landfall ang STS Florita sa Maconacon, Isabela kaninang alas-10:30 ng umaga. RNT/SA