5 lugar sa Metro Manila naka-granular lockdown — PNP

5 lugar sa Metro Manila naka-granular lockdown — PNP

December 30, 2021 @ 1:13 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Umakyat na sa lima ang lugar sa Metro Manila na nasa ilalim ng granular lockdown dahil sa COVID-19, batay sa Philippine National Police.

Ang lahat ng ito ay partikular lamang sa lugar ng Maynila.

Naunang sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na pinakamarami ang aktibong kaso sa Tondo 1 na may 29;  San Andres na may 12; Pandacan at Sampaloc na may tag-7.

Bukod sa NCR, tanging Cordillera ang may lugar na naka-granular lockdown sa buong bansa. RNT/FGDC