5 mangingisda, nailigtas sa lumubog na bangka

5 mangingisda, nailigtas sa lumubog na bangka

February 20, 2023 @ 6:38 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Limang mangingisda ang nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) makaraang lumubog ang kanilang bangka sa bahagi ng baybayin ng Bansud, Oriental Mindoro.

Katuwang sa search and rescue operation ang mga kawani ng Maritime Police, at Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office ng nasabing bayan.

Ayon sa PCG, dahil sa epekto ng masamang panahon na nagdulot ng malakas na alon at hangin ang dahilan kaya lumubog ang FBCA โ€œLa Capitanaโ€ Linggo ng umaga, Pebrero 19 kung saan sakay ang limang mangingisda.

Makaraan ang ilang oras na paghahanap, matagumpay na nailigtas ang mga mangingisda na sina ๐„๐๐ฆ๐จ๐ง ๐Œ๐š๐ง๐š๐ญ๐จ, ๐Ÿ“๐Ÿ, Boat Captain, ๐‰๐š๐ฒ๐ฏ๐ž๐ž ๐Œ๐š๐ง๐š๐ญ๐จ, ๐Ÿ๐Ÿ, ๐‘๐จ๐œ๐ค๐ฒ ๐Œ๐š๐๐ž๐ซ๐š, ๐Ÿ๐Ÿ‘, ๐€๐ฅ๐ฅ๐ž๐ง ๐ƒ๐ž๐ฅ๐š ๐‚๐ซ๐ฎ๐ณ, ๐Ÿ๐Ÿ‘, at ๐„๐ซ๐ง๐ข๐ž ๐Œ๐ž๐ซ๐ข๐๐š, ๐Ÿ“๐Ÿ, na pawang naninirahan sa Bansud Proper, Oriental Mindoro.

Nasa maayus naman na kalagayan ang mga nabanggit, na agad dinala sa Oriental Mindoro Southern District Hospital para sa atensyong medikal. Jocelyn Tabangcura-Domenden