5 minasaker sa Bulacan

5 minasaker sa Bulacan

July 26, 2022 @ 10:20 AM 3 weeks ago


Bulacan-Wala nang buhay nang makita ng caretaker ang limang mananabas na may mga tama ng bala sa bulubunduking sakop ng Brgy. Camachile,Doña Remedios Trinidad (DRT).

Sa impormasyong nakalap ng Remate, ang mga biktima ay kinilalang sina Pampilo Boñaga, Angelo Del Castillo at magkakapatid na sina Rogelio,Carlito at Antonio Serbano.

Sinabi ng caretaker, bandang 7:15 ng umaga nitong Lunes nang makita ang mga labi sa mataas na bahagi ng bundok ng naturang lugar.

Ayon sa caretaker, bago siya magdala ng pagkain ay sinisigiwan niya muna ang mananabas para malaman niya kung nasaan bahagi ang mga ito.

Pero wala umanong tumutugon sa kanyang mga sigaw kaya sinadya niya na ang mataas na bahagi ng gubat at nang makarating ay tumambad ang bangkay ng mga ito.

Nakita niyang nilalanggam na rin ang duguang mga ulo ng mga magkakatabing mananabas na umanoy may mga tama ng bala.

Sinasabing walang alam ang caretaker na may mga kaaway ang mga pinaslang na mananabas.

Patuloy ang ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kung sino at ang motibo sa pagpatay sa mga mananabas. Dick Mirasol III