5 miyembro ng pamilya, natabunan ng lupa

5 miyembro ng pamilya, natabunan ng lupa

April 11, 2022 @ 6:09 PM 3 months ago


BAYBAY, Leyte – Nagpapatuloy ang ginagawang search and rescue operation sa Baybay Emergency Rescue Unit (BERU) para mahanap at mailigtas ang limang miyembro ng pamilya na natabunan ng lupa sa naganap na landslide bunsod ng malakas na buhos ng ulan Linggo sa Barangay Can-ipa sa bayang ito.

Kinilala ang mga biktimang sina Delfin Moraga, Carmencita Moraga, Michelle Rulona, Raymart Rulona at Rey Mitchelle Rulona.

Batay sa report ng Baybay Police Station, dakong 2:10 PM rumesponde ang mga awtoridad sa bahay ng pamilya na na-trap sa ilalim ng lupa.

Pagsapit ng 6:00 PM sinuspinde ang retrieval operation dahil sa walang patid na buhos na ulan at nagkaroon ng pagpupulong ang rescue personnel na kapag ipinagpatuloy ang operasyon ay malalagay lamang sila sa peligro.

Kinabukasan ng 5:00 AM sinimula muli ng mga rescuer ang paghuhukay para mailigtas pa ang nasabing pamilya.

Samantala, mayroon pang isang landslide ang naitala sa Barangay Bunga at may mga tao rin natabunan.

Habang sinusulat ang ulat na ito ay patuloy pa rin ang rescue operation ng mga awtoridad. Mary Anne Sapico